167 MAGSASAKA SA TAYUG, TUMANGGAP NG ABONO BILANG TUGON SA MAHAL NA GASTOS SA PAGSASAKA

May kabuuang 167 magsasaka mula sa 17 barangay sa bayan ng Tayug ang tumanggap ng pataba sa isinagawang Distribution of Inorganic Fertilizers to Rice Farmers sa Barangay Lawak.

Sa ilalim nito, nakatanggap ang mga piling benepisyaryo ng complete fertilizer (14-14-14) at ammonium sulfate (21-0-0-24S), mga patabang nakatutulong sa pagpapataas ng produksyon ng palay at maaaring makatulong upang makabawi sa gastusin sa pagsasaka.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ito ay alinsunod sa umiiral na programa para sa mga rice farmers sa pamamagitan ng agricultural input assistance katuwang ang Department of Agriculture (DA).

Natutukoy naman ang mga benepisyaryo base sa mga rehistradong magsasaka sa bayan na pinamumunuan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments