Tuesday, April 21, 2026

PNP SAN JACINTO, NAGSAGAWA NG CHECKPOINT AT OPLAN SITA PARA SA KALIGTASAN SA KALSADA

Patuloy na pinaigting ng kapulisan ang pagpapatupad ng batas trapiko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng PNP Checkpoint at Oplan Sita, na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista at mamamayan sa lansangan.

Isinagawa ang operasyon upang masiguro na ang lahat ng dumaraang sasakyan ay sumusunod sa mga umiiral na alituntunin sa kalsada. Kabilang sa mga tinututukan ng mga awtoridad ang paghuli sa mga lumalabag sa batas trapiko, mga driver na walang kaukulang dokumento, at mga sasakyang hindi rehistrado.

Dagdag pa rito, layunin din ng nasabing hakbang na matugunan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga insidente ng vehicular traffic sa lugar. Sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagbabantay, inaasahang mababawasan ang aksidente at mapapanatili ang kaayusan sa mga pangunahing lansangan.

Nanawagan naman ang PNP San Jacinto sa publiko na makipagtulungan at sumunod sa batas upang maiwasan ang abala at kapahamakan sa daan.

Para sa karagdagang impormasyon o agarang tulong, maaaring makipag-ugnayan sa PNP San Jacinto sa mga sumusunod na hotline, 0998-598-5126 o 0906-525-9725. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments