ABOT 700K DEBOTO, DUMAGSA SA 100TH CANONICAL CORONATION ANNIVERSARY NG NUESTRA SEÑORA DEL ROSARIO DE MANAOAG

Daan-daan libong deboto ang dumalo at nagdasal sa ginanap na ika-100th Canonical Coronation Anniversary ng Nuestra Señora Del Rosario De Manaoag, kahapon, April 22, 2026.

Ang ilan sa deboto, hindi umano pinalampas ang pagkakataon dahil matagal ng mananampalataya ni birheng Maria.

Habang isinasagawa ang misa nagawa natin masilip ang imahen ni Apo Baket na unti-unting ipinasok sa loob ng basilica

Tantsa ng awtoridad, nasa 300,000 na deboto ang dumalo sa coronation mass na kinabibilangan ng mga miyembro ng mga klero at iba pang opisyal sa bansa.

Naging sentro ng misa ang pagkilala kay Apo Baket na tumawag sa libo-libong deboto sa kasalukuyan.

Kinilala rin ang Imahen bilang isang guro at modelo sa pagsunod sa Panginoong HesuKristo.

Samantala, pinapasok rin sa main gate ng basilca ang mga debotong nagpunta upang masilayan ang koronasyon.

Umantabay rin ang hanay ng pulisya sa loob at labas ng simbahan upang bantayan ang seguridad sa paligid.

Nasa 11 medical stations naman ang ipinakalat sa iba’t-ibang bahagi ng bayan upang umantabay sa kabuuang pangangailangang medikal ng publiko.

Sa kabuuan, patunay ito sa matibay pa ring pagkapit ng maraming Katoliko sa paniniwala at pananalig sa Imahen upang ipanalangin anuman ang ninanais makamtan sa buhay

Facebook Comments