Tuguegarao City, Cagayan – Mga datihan pa ring mga pangalan sa mga manlalaro ng chess ng Tuguegarao ang nanguna sa katatapos Tuguegarao City Open Cup Chess Challenge.
Ang naturang torneo na exclusibong inantabayanan ng DWKD 98.5 RMN Cauayan ay inilaan ng Linao National High School para sa mga manlalaro ng ahedres mula sa Tuguegarao City kasama ang mga estudyante na galing din sa mga ibat ibang eskuwelahan ng lungsod.
Ang tatlong araw na palaro na nagsimula noong Oktubre 5, 2018 at nagtapos sa isang open category tournament.
Pinagkampeonan ito ni Ginoong Jojo Foz na siyang nakatanggap ng pangunahing premyo na apat na libong piso kasama ang isang tropeo.
Naging first runner-up si Renolph Remudaro na kapya nakakuha din ng anim na puntos mula sa 7 round swiss system format ng torneo.
At ang kumumpleto sa mga nakatanggap ng cash prize ay sina Jake Tumaliuan na nasa pangatlong puwesto, Remel Ramirez sa pang-apat na puwesto, pang-lima si Jeremiah Martin, pang-anim si Robert Bitamor Jr, pang-pito si Carlos Tagacay, pang-walo si Randolph Langcay, pang-siyam si Peter Navarro, pang-sampu si Jefferson Tugade, pang labing-isa si Peter Pagulayan at pang labing-dalawa si Jonito Tumaliuan.
Ang open category ay nilahukan ng 74 kasama na ang mga ilang magagaling na elementary at high school chess players ng Tuguegarao.
Kinilala bilang youngest performer si Rainer Mark Monteclaro na siya namang pinalakpakan ng marami sa nangyaring awarding ceremony.
Samantala, nagpasalamat naman si School Principal Elpidio “Jun” Mabasa Jr sa mga sumali at sumuporta sa naturang torneo at kanyang sinambit ang isa sa pamosong linya ng sikat at kontrobersiyal grandmaster na si Bobby Fisher.
Kanyang sinabi na ang kasabihang “chess is life” ay sadyang totoo dahil dapat lamang na kada anumang hakbang, desisyun o gagawin sa buhay ay kailangang aralin at pag-isipan muna kagaya ng mga galaw sa laro ng ahedres.
Nagtapos ang Linao National High School Chess Tournament Open Category sa pamamagitan ng closing at awarding ceremony bandang 5:30 ng hapon ng Oktubre 7, 2018.
Ang nagsilbi namang tagapangasiwa ng torneo ay sina Mrs Sol Bitamor na isa sa mga guro ng Linao National High School at si Ginoong Jake Anastacio na isang propesor ng Cagayan State University.