Lockdown sa ilang lugar sa Binondo, walang katotohanan ayon sa MPD at Manila LGU

Iginiit ng Manila Police District (MPD) at ng lokal na pamahalaan ng Maynila na walang katotohan ang kumakalat ngayon sa social media hinggil sa ilang establisyimento sa Binondo na nagpatupad ng lockdown.

Nabatid na may ilang indibidwal na nagpapakalat sa social media na sarado o lockdown ang ilang mall, condo, banko, mga opisina at kalsada partikualr ang Sta. Elena Street papuntang 168 mall.

Sa pahayag ni MPD Director Police Brigadier General Leo Francisco, agad siyang nakipag-ugnayan sa station commander sa nakasasakop na lugar kung saan sinabi ng mga ito na negatibo ang nasabing impormasyon.


Dahil dito, nanawagan ang MPD at Manila LGU sa mga netizen na huwag ng ipakalat pa ang maling balita at huwag na rin palakihin ang isyu.

Napag-alaman na ang nasabing posts sa social media hinggil sa lockdown sa Binondo ay una na nang ipinakalat noong July 2020 pero wala rin itong katotohanan.

Facebook Comments