Higit 67k Commuters, Naserbisyuhann Libreng Sakay sa Region 2

24
Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 67,304 ang kabuuang bilang ng mga commuters sa Region 2 na naserbisyuhan ng Service Contracting Program Phase 3 ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Batay sa datos ng LTFRB Region 2, naitala kahapon, May 3, 2022 ang karagdagang bilang na 15,449 na mga mananakay sa rehiyon na nabigyan ng serbisyo ng Libreng Sakay.

Ang Service Contracting Program ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), alinsunod sa marching order ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter, operator, at driver.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang LTFRB Region 2 official Facebook page o makipag-ugnayan sa LTFRB Region 2 Project Implementation Unit (PIU) sa numerong 0916-175-1096.

Facebook Comments