Isa pang senador, hiniling na rin ang pagtatalaga ng kalihim sa DA

Naniniwala si Senator Christopher “Bong” Go na panahon na rin para magtalaga na ng permanenteng kalihim sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay dahil pinakaimportanteng ahensya aniya ang DA dahil nangungunang concern nito ang food security sa bansa.

Gayunman, prerogative aniya ng pangulo ang pagtatalaga ng mga miyembro ng kanyang gabinete.


Tiwala naman si Go na ang mapipiling DA Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos ay mapagkakatiwalaan at magsusulong ng mga programa para sa food security at proteksyon sa mga local farmer.

Mahalaga aniyang mapagtuunan ng atensyon ang mga lokal na magsasaka na maituturing na mga isang kahig isang tuka subalit pinakamahalagang bahagi ng food chain.

Facebook Comments