Lolo na galing sa lamay, patay matapos maaksidente sasinasakyang motorsiklo at mahulog sa sapa

17

Tangalan, Aklan – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang lolo kaninang madaling araw sa Brgy. Lanipga, Tangalan, Aklan.
Ang biktima ay kinilalang si Elizer Panagsagan, 62-anyos, walang asawa, at residente ng Rigador, Ibajay.
Sa imbestigasyon ng Tangalan PNP lumalabas na galing sa lamay ng kanyang kapamilya ang biktima at papauwi na ito sakay ng kanyang motorsiklo pero pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada ay nawalan ito ng kontrol dahil sa naka inum at bumangga sa kahoy saka ito tumilapon sa sapa.
Mabuti na lamang at nagising ang dating Kagawad na si Paulo Piano matapos na makarining ng tila may bumangga sa kahoy malapit sa kanilang bahay.
Dahil sa malakas ang ulan ay hindi muna ito lumabas at sa halip ay inilawan nya ng flashlight. Nang tumila ang ulan ay kanya itong tiningnan at nakita ang motorsiklo at nong huli ay nakita ang biktima sa sapa na nakasubsob sa tubig.
Agad nila itong sinaklolohan para maiahon sa sapa pero patay na ang biktima. Tumawag rin sya ng pulis para maimbestigahan ang nangyari.
Kumbinsido naman ang kapatid ng biktima na aksidente lamang ang nangyari.

Facebook Comments