Loyal dog ni Pacquiao na si ‘Pacman’, namatay sa aksidente sa GenSan

2928
Senator Manny Pacquiao's loyal pet, "Pacman". Photos: Manny Pacquiao/Facebook/Instagram

Labis na ikinalungkot ni Senator Manny Pacquiao ang pagpanaw ng alaga niyang aso na si Pacman sa isang aksidente sa General Santos City.

Ayon sa ulat ni Mav Gonzales ng GMA, nasagasaan ang 14-taon-gulang na Jack Russell terrier nitong Sabado– isang araw pa lang ang nakalipas mula nang umuwi sa GenSan ang pamilya ni Pacquiao.


Dahil sa nangyari, nagkulong umano sa kuwarto ang boxing champ upang ipagluksa ang pagpanaw ng alaga.

Si Pacman ang tumayong training partner at itinuring na “bunso” ng eight-division World champion.

Mula 2006 ay naging kasa-kasama ni Pacquiao ang alaga sa kanyang jogging sessions dito sa bansa at maging sa United States pa.

Wala pa namang ibang detalye sa aksidente.

Nailibang na si Pacman sa bakuran ng mga Pacquiao.




Facebook Comments