
Kinumpirma ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ilang OWWA Regional Welfare Offices sa Mindanao ang pansamantalang isinara matapos ang malakas na lindol sa Sarangani Province at mga karatig na lugar.
Ito ay bilang pag-iingat habang sinusuri ang kalagayan ng kanilang mga pasilidad sa rehiyon.
Tiniyak naman ng OWWA na nananatiling bukas ang OWWA Hotline 1348 at ang kanilang emergency hotlines para magbigay ng kaukulang tulong at impormasyon.
Mahigpit din anilang nakikipag-ugnayan ang OWWA sa mga lokal na pamahalaan at iba pang kinauukulang ahensya upang mabantayan ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa mga apektadong lugar.
Nagpaalala rin ang OWWA sa publiko na manatiling kalmado, maging mapagmatyag, at sumunod sa mga abiso ng mga lokal na awtoridad at disaster response agencies.










