Pormal nang binuksan sa publiko ang salisay–anolid bridge sa dagupan city matapos ang inaugural at blessing ceremony nitong hunyo 5.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni pangasinan fourth district representative gina de venecia na ang proyekto ay inisyatibo ng kanyang anak na si dating congressman christopher de venecia at maayos na naisakatuparan sa pamamagitan ng pangasinan second engineering district ng department of public works and highways o dpwh.
Ayon kay manay gina de venecia, ang proyekto ay nagpapaalala sa kanya sa yumaong dating house speaker jose de venecia jr., na aniya’y nagbigay-prayoridad sa pagtatayo ng mga kalsada at tulay nang simulan nitong paunlarin ang ikaapat na distrito noong 1987.
Aniya, mahalagang pundasyon ng pag-unlad ang mga imprastraktura dahil agad nitong pinatataas ang halaga ng mga ari-arian at lumilikha ng mas maraming oportunidad para sa mga komunidad.
Ibinahagi rin ng kongresista ang kahalagahan ng pantal bridge sa de venecia road bilang simbolo ng matibay na pagkakaibigan ng pilipinas at japan, at bilang isa sa mga proyektong naipatayo sa tulong ng pamahalaang hapon sa panahon ng panunungkulan ni speaker de venecia.
Nagpasalamat naman si congresswoman manay gina de venecia sa patuloy na suporta at pagmamahal ng mga mamamayan sa kanilang pamilya at tiniyak na magpapatuloy ang kanilang paglilingkod sa pamamagitan ng kanyang anak na si christopher.
Samantala, inaasahang magbibigay ng mas mabilis, ligtas at maginhawang biyahe ang bagong salisay–anolid bridge para sa mga residente ng dagupan city at mga karatig na lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








