Lugar sa Metro Manila na isinailalim sa granular lockdown, nabawasan

Nabawasan ng isang lugar ang mga area na isinailalim sa granular lockdown sa Metro Manila.

Sa ngayon, umaabot na lang sa 219 na lugar sa 123 barangay sa Metro Manila ang naka-granular lockdown.

Batay ito sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nag-deploy ng 592 police personnel mula sa iba’t ibang distrito para tumulong sa 714 barangay tanod at force multipliers sa pagpapatupad ng paghihigpit dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.


Pinakamaraming lockdown areas ay sa area of responsibility ng Eastern Police District (EPD) at Manila Police District (MPD) na parehong may 60 lockdown areas.

Kasunod ang sakop ng Quezon City Police District (QCPD) t Northern Police District (NPD) na parehong may 40 lockdown areas.

Habang ang Southern Police District (SPD) ay may 19 na lockdown areas lang sa 8 barangay.

Facebook Comments