Mabagal na daloy ng trapiko, nararanasan sa bahagi ng Taft Avenue, Maynila dahil sa proyekto ng DPWH

Nakararanas na ng mabagal na daloy ng trapiko sa Sothbound Lane ng Taft Avenue sa Maynila bunsod ng sinimulang proyekto ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region (DPWH-NCR).

Nabungkal na ang halos 50 metrong haba ng dalawang linya ng Taft Ave. sa tapat ng Luneta sa pagitan ng Finance Road at Kalaw Avenue.

Aabutin ng tatlong buwan ang road rehabilitation project na ito ng DPWH kung saan aayusin ang baku-bakong bahagi ng Taft Avenue.


Nasa mahigit 2.3 milyong piso na pondo ang inilaan sa proyekto na unang sinabi na target tapusin ng April 19 o hanggang Semana Santa.

Sa ngayon, nasa dalawang linya lamang ng Taft Avenue ang nadaraanan ng mga sasakyan sa tapat ng Luneta kung kaya’t bumabagal na ang daloy ng trapiko partikular ang mga nagmula sa area ng España at Binondo.

Facebook Comments