
Pinulong ng Department of Energy (DOE) ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa gitna ng kinahaharap na krisis sa langis.
Sa naturang pulong, tinalakay ang pagbibigay ng energy support sa aviation sector.
Nagkaisa rin ang mga stakeholder na palakasin ang koordinasyon para sa fuel supply, energy resilience, at pagtiyak ng tuloy-tuloy na suporta sa mga operasyon ng aviation sector.
Una nang tiniyak ng DOE na mayroong 67 araw na imbentaryo ang bansa para sa jet fuel.
Tiniyak din ng ahensya ang patuloy na paghahanap ng mga alternatibong mapagkukunan ng suplay ng langis.
Facebook Comments










