
Malabo pang maisagawa ngayong araw ang hiling ng Kamara na mag-inspeksyon sila sa ilalaan ng Senado na working area para sa kanilang prosecution team at support group sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., hiniling ng Kamara na kung maaari ay makapag-inspeksyon sila bukas, Miyerkules.
Gayunman, hindi pa muna ito matutuloy dahil wala pang final room assignment ang Senado para sa impeachent.
Naunawaan naman aniya ito ni House Secretary General Reginald Velasco at pumayag na ire-schedule na lamang ang inspeksyon.
Dagdag ni Bantug, magbibigay sila ng update sa Kamara ngayong araw rin kung uubra silang mag-ocular inspection bukas.
Facebook Comments