Mabilis na pagsasaayos ng Clark Int’l Airport, pinuri ng 2 senador

Ikinatuwa nina Senators JV Ejercito at Win Gatchalian ang mabilis na pagsasaayos sa Clark International Airport na nagtamo ng malaking pinsala sa 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes.

Para kay Ejercito, good job dito ang Department of Transportation o DOTr.

Sabi ni Ejercito, mainam na naibalik na sa normal ang operasyon ng paliparan.


Pinuri naman ni Gatchalian ang management ng Clark Airport sa pagsisikap na agad maayos ang nawasak na passenger terminal.

Diin ni Gatchalian, nagpapakita ito na iba talaga kung may malasakit sa trabaho at sa kapwa.

Facebook Comments