Mag amang biktima ng pamamaril sa bayan ng Parang Maguindanao pumanaw na ,suspect napatay sa operasyon

Pumanaw na ang mag-amang biktima ng pamamaril sa bayan ng Parang Maguindanao nitong Huwebes ng gabi habang ginagamot sa ospital sa Cotabato City.
Kinilala ang mag amang nasawi na sina Macario Danglod 37 anyos at anak na si Mark Jonel 8 anyos . Sa report ng Parang Pnp ay naghahapunan ang mag ama sa loob ng kanilang tahanan na matatagpuan sa sItio Highway Boulevard, Brgy. Landasan bayan ng Parang Maguindanao ng silay pagbabarilin ng suspect.
Sumailalim sa operasyon ang mag-ama sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City subalit pumanaw din.
Samantala sa inilunsad na operasyon ng Parang Pnp kaninang madaling araw sa pangunguna ni Police Chief Inspector Erwin Tabora ay napatay ang sinasabing salarin na kinilalang si Mama Anto Abo na di lamang kalayuan ang tahanan nito sa mga biktima habang ang itinuturong mastermind ay nasa kustodiya ngayon ng Parang Pnp.

.

Facebook Comments