Wednesday, April 22, 2026

Pamilya ng mga EJKs nagbunyi sa pagbasura ng Appeals Chamber sa mosyon ng mga Duterte na kumukwestyon sa jurisdiction ng ICC sa kaniyang kaso

Nagbunyi ang nasa 50 pamilya ng Extra Judicial Killings (EJKs) victims na nagtitipon-tipon sa University of the Philippines Diliman matapos marinig ang desisyon ng Appeals Chamber na nagbabasura sa mosyon ng kampo ng mga Duterte na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa crime against humanity.

Sabay-sabay nilang pinanood ang live stream ng desisyon na inilagay sa loob ng Atencio-Libunao hall.

Pinangunahan ng grupong Duterte Panagutin Movement ang aktibidad.

Ayon kay Jane Lee, mula pa kanina ay labis ang kanilang kaba habang nag-aantay sa desisyon pero napalitan ito ng tuwa nang pumabor sa kanila ang desisyon .

Ayon naman kay Joel Ejorcadas, may halong tuwa at lungkot ang kaniyang nararamdaman .

Tuwa dahil nagtagumpay sila pero may lungkot din dahil hindi rito sa korte ng Pilipinas nililitis si Dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments