PAGPAPALIPAD NG DRONE SA PAGDIRIWANG NG CENTENNIAL CANONICAL CORONATION NG OUR LADY OF MANAOAG, IPINAGBABAWAL

Mahigpit na ipatutupad ang drone ban sa bayan ng Manaoag mula Abril 22 hanggang Abril 25, kaugnay ng pagdiriwang ng Centennial Canonical Coronation ng Our Lady of Manaoag.

Sa ilalim ng Executive Order No. 32, Series of 2026, ipinagbabawal ang pagpapalipad ng lahat ng uri ng drone, kabilang ang First Person View (FPV) drones, maliban na lamang kung may kaukulang pahintulot mula sa Manaoag PNP.

Ayon sa mga awtoridad, layunin ng mahigpit na hakbang na ito na panatilihin ang seguridad ng libu-libong deboto at manlalakbay na dadalo dahil sa posibleng aksidente sa kasagsagan ng pagdiriwang.

Giit ng pulisya na ang sinumang lalabag sa kautusan ay maaaring managot sa ilalim ng umiiral na batas kabilang ang posibleng pagkumpiska ng equipment. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments