
Sa pagpapatuloy ng impeachment hearing ngayong araw ay unang binusisi ng House Committee on Justice ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Dutertena isinumite ng Office of the Ombudsman.
Sa pagtatanong ni Representative Joel Chua kay Atty. Karen Batu na siyang OIC ng Ombudsman central records division ay lumabas na lomobo ang kabuuang yaman ni VP Duterte sa mahigit ₱88.5 million noong 2024 mula sa mahigit ₱7.2 million noong 2007 na ito ay bise alkalde ng Davao.
Pero kataka-taka para kay Chua na walang idineklara si VP Sara na kahit singkong halaga ng cash on hand at cash deposits sa kanyang SALN mula 2019 hanggang 2024 habang patuloy ang paglaki ng halaga ng kaniyang kabuuang yaman.
Facebook Comments










