Maipapatayo na ang Maternity and Childrens Hospital sa Dagupan City para sa ligtas na pangangalaga sa mga ina, sanggol at bata sa lungsod.
Ito ay matapos pormal na nilagdaan ng Local Government Unit (LGU) ng Dagupan at Department of Health (DOH) ang kasunduan para sa pagpapatayo ₱200-milyong halagang proyekto sa ilalim ng DOH Facilities Program.
Ayon sa ulat, pamamahalaan ito ng pamahalaang lungsod at magsisilbing sentro ng panganganak at agarang serbisyong medikal para sa mga kababaihan at bata.
Itatayo ang pasilidad sa hindi lalagpas sa isang ektaryang lupain ng pamahalaan sa Barangay Poblacion Oeste, Dagupan City.
Ayon naman sa City Health Office, layunin ng proyekto na mabawasan ang mapanganib na panganganak sa tahanan at komplikasyon sa panganganak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










