
Pinapaalalahanan ng philhealth ang lahat kaugnay ng kumakalat na pekeng mensahe kung saan si Dr. Edwin M. Mercado, Acting President and Chief Executive Officer (APCEO) ng philhealth, ay humihiling ng pagdedeposito ng pera dahil siya ay nasa isang mahalagang pulong kapalit ng pangakong ito ay ibabalik kaagad.
Ang mga sumusunod na detalye ang ginamit ng scammer: GCASH Number: 0938-4354071 NAME: MIEEL BRIIN LIIN VIBER NAME: PCEO MERCADO EDWIN M VIBER Number: 0961-8296586 Mariing pinabubulaanan ng philhealth na ang nasabing mensahe ay mula kay Dr. Edwin M. Mercado.
Ang mga mensaheng ito ay hindi totoo at mapanlinlang. Kung makatatanggap kayo ng ganitong mensahe, mangyaring huwag tumugon, huwag magpadala ng pera, at i-report agad sa philhealth o sa kinauukulang otoridad.
Maaaring makipag-ugnayan sa aming Corporate Action Center sa mga sumusunod na hotline numbers na bukas 24/7: Landline: (02) 8662-2588; Smart: 0998-857-2957 / 0968-865-4670; Globe: 0917-127-5987 / 0917-110-9812. Maging mapagmatyag at magtulungan tayo upang mapigilan ang pagkalat ng mga scam na kagaya nito.