
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban upang hilingin na utusan ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual recount para sa mga boto sa pagka-senador nitong nagdaang 2025 Midterm Elections.
Batay sa Supplemental Petition for Mandamus na inihain nina Atty. Israelito Torreon at Atty. Jimmy Bondoc, maraming iregularidad umano ang nangyari noong eleksyon dahil walang isinagawang manual counting sa mga presinto.
Nilinaw ni Bondoc na hindi layunin ng petisyon na sila’y maupo sa puwesto, kundi upang masigurong masunod ang nararapat na batas.
Kasama sa reklamo sa petisyon ang umano’y 17 million na overvotes, nawawalang anim na milyong balota at iba pa.
Kabilang sa mga respondent sa petisyon ang mga opisyal ng Comelec kung saan hindi nila maipaliwanag sa publiko ang totoong nangyari.