MAGSASAKA SA BAYAN NG MANGATAREM, NAHULIHAN NG SHOTGUN SA TAHANAN NITO

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang singkwenta anyos na magsasaka matapos itong mahulian ng shotgun sa tahanan nito sa bayan ng Mangatarem.
Ang suspek ay kinilalang si Jimson Sambolanay, residente ng Bogtong Silag sa nasabing bayan.
Nagkasa ng implementasyon ng search warrant ang PNP sa tahanan ng suspek pasado alas singko ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska sa nasabing shotgun.

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. |ifmnews
Facebook Comments