Tuesday, November 24, 2026

PANELCO III, MULING MAGSASAGAWA NG POWER DISCONNECTION SA NATIVIDAD SIMULA NOVEMBER 27

Muling ipatutupad ng Pangasinan III Electric Cooperative, Inc. (PANELCO III) ang scheduled power disconnection sa mga consumer na may hindi pa nababayarang singil sa kuryente sa bayan ng Natividad simula Nobyembre 27, 2026.

Sa inilabas na advisory ng lokal na pamahalaan ng Natividad, pinapayuhan ang lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) na may outstanding electric bills na agad bayaran ang kanilang mga obligasyon upang maiwasan ang pagkaputol ng suplay ng kuryente.

Hinikayat din ang mga konsumer na regular na tingnan ang kanilang account balances at tiyaking updated ang kanilang mga bayarin upang mapanatili ang tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments