MAGSASAKA SA SAN FABIAN PATAY SA PANANAGA NG KUYA NITO DAHIL SA AWAYAN SA LUPA

Patay ang isang kwarentay dos anyos na magsasaka matapos pagtatagain ng kuya nito sa bayan ng San Fabian.

Ang biktima ay nakilalang si Domingo Locaberte samantalang ang suspek ay kuya nito na nakilalang si Andy, mga residente ng Inmalog Sur sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na habang nagtatrabaho sa bukid ang biktima pasado alas kwatro ng hapon nang dumating ang suspek at agad na hinampas sa ulo ang biktima.


Sinubukan pang tumakas ng biktima sa kuya nito subalit nahabol ito at agad na tinaga na tinamaan sa bahaging leeg.

Naisugod naman ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival habang nasa kustodiya na ng PNP ang suspek.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng PNP na lumang alitan ang dahil ng pananaga sa biktima dahil sa awayan sa lupa.

Facebook Comments