MAHALAGA | National ID system, malaking tulong sa peace and order sa bansa – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Mahalaga ang gagampanang papel ng National Identification o ID system partikular na sa peace and order sa bansa.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde kasunod ng nakatakdang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panukalang Philippine Identification system act ngayong araw.

Pero, aminado si Albayalde na mahabang panahon ang gugugulin bago makakhuha ng ID ang lahat ng mga Pilipino


Hinimok ni PNP Chief ang lahat ng Pilipino na kung kuwalipikadong kumuha ng National ID ay kumuha dahil makakatulong ito para mapabilis ang transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno.

Aniya laman ng naturang id ang ilang mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, address, kasarian, petsa ng kapanganakan, blood type, marital status at larawan ng may-ari.

Facebook Comments