Tulak ng Droga sa Cauayan City, Timbog sa Drug Buy Bust Operation!

Cauayan City, Isabela – Timbog sa ikinasang drug buy bust operation ng kapulisan ang isang tulak ng droga kahapon sa loob ng isang kilalang hotel sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jay-ar Cristobal, dalawampu’t siyam na taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Osmena, Solano, Nueva Vizcaya.

Paulit-ulit umano na nagtitinda ng droga sa lungsod ng Cauayan si Cristobal at nang matunugan umano ito  ng isang impormante ng kapulisan ay kaagad na ikinasa ang operasyon kasama ang PDEA.


Nakuha kay Cristobal ang isang limang daang piso bilang marked money, tatlong mamahaling cellphone, isang lighter, isang rolled foil at Php96.00.

Nasa himpilan na ng PNP Cauayan City ang suspek at inihahanda na ang kasong kakaharapin nito na paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments