Mahigit 10 NPA member, sumuko sa Sultan Kudarat

84

Manila, Philippines – Nasa 11 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga sundalo ng Philippine Army sa barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Ayon kay 1lt. John Austin Jamora, commanding officer ng alpha company, 33rd infantry battalion, kasamang isinuko ng 11 npa rebels ang kanilang walong high powered firearms kabilang ang limang m16 rifles, dalawang m1 grand rifles at isang ak 47 rifle.


Aniya, ang mga sumukong miyembro ng npa ay mula sa tribong Manobo at mga residente ng Midtungok.

Sinabi naman ni Col. Bismark Soliba, commander ng 1st mechanized infantry brigade na nauubus na ang npa sa lugar dahil sa demoralization sa kanilang hanay.

DZXL558

Facebook Comments