Mahigit 14 na libong mga pulis, ide-deploy ng MPD para sa isasagawang rally ng Iglesia ni Cristo sa Maynila

PHOTO BY MIKE ALQUINTO

Nasa kabuuang 14,464 na mga kapulisan ang inaasahang ide-deploy ng Manila Police District para magbantay sa seguridad sa isasagawang rally ng Iglesia ni Cristo sa Maynila.

Ang nasabing religious rally ay inaasahang isasagawa sa Luneta sa darating na Nobyembre 16 hanggang 18 na posibleng dadaluhan ng mahigit sa 300 libong mga indibidwal.

Ayon kay MPD Spokesman Police Major Philipp Ines, ide-deploy nila ang mga nasabing kapulisan sa Mendiola, Ayala Bridge, San Sebastian corner Recto, Legarda corner Figueras St, sa US Embassy, Liwasang Bonifacio, Quirino Grandstand, Malacañang Park at Malacañang Palace at iba pa.

Dahil dito, inabisuhan na rin ng pulisya ang mga motorista na antabayanan ang mga traffic advisories at re-routing para sa maayos na pagbyahe.

Samantala, nakiusap naman si Ines sa mga organizers ng nasabing rally na bantayan ang kanilang grupo at tulungan din ang kapulisan para hindi ito mahaluan ng ibang banta.
Sa ngayon ang MPD ay walang natatanggap na banta sa seguridad sa gaganapin na 3 araw na protesta at kung meron man ay tiniyak nila na ito ay aaksyunan nila agad.

Facebook Comments