MAHIGIT 2,000 MIYEMBRO NG TODA SA BAYAMBANG, SUMAILALIM SA TUPAD PROFILING

Nasa 464 lamang mula sa 2,000 rehistradong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Bayambang ang nakapasa sa opisyal na listahan ng mga benepisyaryo sa isinagawang profiling activity ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) noong Abril 15.

Isinagawa ang profiling activity upang matukoy kung sino ang mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng nasabing programa.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang DOLE umano ang nagbigay ng pondo at nagsagawa ng validation sa mga aplikante.

Ilan sa mga dahilan ng hindi pagkakasama ng ibang aplikante ay ang pagiging barangay tanod o pampublikong opisyal, at hindi pagtugma sa kategoryang indigent.

Layunin ng programang ito na makatulong sa mga apektado ng krisis at patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, lalo na sa mga TODA drivers na umaasa sa pamamasada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments