Thursday, May 7, 2026

2 suspek sa viral video na nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay sa Norzagaray, Bulacan, arestado at nasampahan na ng reklamo—PNP; isa pang suspek, at large

Nasampahan na ng kasong Trespass to Dwelling, Grave Threat and Malicious Mischief ang 2 sa 3 suspek sa viral video na nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay sa Norzagaray Bulacan noong May 3.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang nasabing insidente matapos nagkagitgitan ang isang SUV na sinasakyan ng 2 biktima at ng isang motor lulan ng mga suspek.

Ayon sa Officer-in-Charge ng Bulacan Provincial Police Office na si Police Col. Jay Baybayan,sinundan umano ng dalawang nahuling suspek ang mga biktima sa bahay nito at nang kinausap ng isa sa mga biktima para magayos ay lalong nagkaroon ng tensyon at dito na rumesbak ang isa pang suspek na may hawak na baril.

At large naman ngayon ang isa pang suspek na may hawak na baril na napagalaman din na may rehistro ang calibre 45 na baril nito ngunit wala naman itong License to Own and Possess Firearms o LTOPF.

Kung saan karagdagang reklamo na paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng nasabing at -large na suspek.

Nilinaw naman ni Baybayan na bago magviral ang nasabing video, noong May 4 kinabukasan ng nasabing insidente ay nahuli na at nasampahan na ng reklamo ang dalawang mga akusado.

Facebook Comments