Wednesday, May 20, 2026

AUDITION PARA SA YOUTH ORCHESTRA SA DAGUPAN CITY, BINUKSAN PARA SA KABATAAN

Inaanyayahang sumali sa audition para sa Dagupan Symphony of the Sea Youth Orchestra ang mga kabataang Dagupeño na may hilig sa musika.

Gaganapin ang audition sa Mayo otso, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa Dagupan City Teen Center. ‎ ‎

‎Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na mahasa at maipakita ang kanilang talento sa larangan ng musika. ‎ ‎

‎Gagabayan ang mga kalahok ng mga bihasang mentors na sina Sir Jesus Ferrer at Sir Boy Calaguio upang mas lalo pang mapaunlad ang kanilang kakayahan. ‎ ‎

Hinihikayat ang mga interesadong kabataan na magparehistro. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments