MAHIGIT 1,400 MAGSASAKA, NABIGYAN NG LIBRENG ABONO SA MANGALDAN

Tumanggap ng libreng abono ang mahigit 1,400 magsasaka sa bayan ng Mangaldan noong Abril 14 bilang suporta sa kanilang pagsasaka ngayong dry season.

Sa ilalim ng Rice Production Support Program, katuwang ng lokal na pamahalaan ang Department of Agriculture sa pamamahagi ng mga agricultural inputs. Kabilang dito ang 1,143 sako ng urea fertilizer at 7,695 piraso ng bio-fertilizers at foliar sprays.

Ayon sa ahensya, ang urea ay mayaman sa nitrogen na nakatutulong sa mabilis na paglago ng dahon at tangkay ng palay. Ang bio-fertilizers naman ay may mga microorganism na nagpapabuti sa kalidad ng lupa, habang ang foliar sprays ay direktang iniispray sa dahon upang magbigay ng sustansya sa pananim.

Batay sa ulat, ang pagbibigay ng abono ay nakabatay sa lawak ng sinasakang lupa ng bawat magsasaka. Isinasagawa rin ang distribusyon kada barangay upang matiyak ang maayos at sistematikong pamamahagi sa lahat ng benepisyaryo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments