
Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac na hindi tinamaan ng hantavirus ang 38 Filipino crew ng MV Hondius.
Ayon kay Cacdac, nasa maayos na kalagayan ang mga crew ng barko.
Sa ngayon ay nasa baybayin na ng West Africa ang MV Hondius habang nakauwi na sa bansa ang 38 Filipino crew.
Aniya, nais na rin ng mga Filipino crew na makalabas na ng barko at makauwi sa bansa.
Pero ayon kay Cacdac, medyo kumplikado pa ang sitwasyon sa ngayon pero patuloy na silang nakikipag-ugnayan sa manning agency ng mga Pinoy crew para sa kanilang repatriation.
Ang hantavirus aniya ay isang uri ng malubhang sakit na nakukuha mula sa mga virus na dala ng mga daga at iba pang rodents ay isang global concern kaya’t maraming dapat isaalang-alang sa pagpapauwi sa mga seafarers.
Samantala, nasa pitong Pinoy seafarer mula sa CGM San Antonio ang nakaligtas na hinihinalang tinamaan ng cruise missile sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Cacdac, apat na Pinoy ang nagtamo ng minor injury habang ang tatlo ay seryosong nasugatan.
Patuloy aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga Pinoy at bibisitahin ng mga labor attache sa mga susunod na araw.










