Mahigit 240,000, naapektuhan ng Bagyong Dodong ayon sa DSWD

Courtesy: Department of Social Welfare and Development | Facebook

Pumalo na sa 248,834 ang bilang ng mga indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Dodong.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng 62,222 na pamilya mula sa Region 1, 3, MIMAROPA, 5 at Metro Manila.

Paliwanag ng DSWD, aabot naman sa 694 na pamilya o 2,508 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.


Dagdag pa ng DSWD na nasa ₱1.8 milyon ang halaga ng humanitarian assistance ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments