Friday, November 13, 2026

VP Sara Duterte, kinumpirma ng isang bangko na may dollar account

Kinumpirma ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na mayroong dollar accounts si Vice President Sara Duterte.

Ang kumpirmasyon ay mula sa sulat na ipinadala ng bangko sa Senate Impeachment Court matapos na iurong ng depensa ang pagpapaharap kay BPI Vice President and Legal Department Head Atty. Paul Roderick Ysmael dahil hindi na kailangan.

Dito ay sinabi ni private prosecution lawyer Atty. James Bryan Alih na isyu ito sa prosekusyon dahil may mga gusto sana silang linawin mula sa testigo ukol sa sulat na mula sa bangko na kumukumpirma na nagkaroon ng dollar accounts si VP Duterte.

Nais sana ng prosecution team na mahalukay ang tungkol sa dollar accounts at ma-cross examine ang ihaharap na bank officer lalo’t di nakasama sa mga ipina-subpoena ng impeachment court ang dollar accounts.

Hindi naman pinahintulutan ni presiding officer Chiz Escudero ang higit pang pagtalakay ng prosekusyon sa naturang account dahil hindi pa ito naiprisinta sa impeachment court at ayaw niyang pangunahan ang depensa sa ihaharap na testigo.

Pinayuhan naman ni Escudero ang prosekusyon na kung ipupursige ito, maaari silang maghain ng tender of excluded evidence o memorandum, pwede ring talakayin sa kanilang closing remarks o kaya naman ay mag rebuttal.

Facebook Comments