Friday, November 13, 2026

P160 Million na halaga ng ilegal na sigarilyo at vape, nakumpiska sa Malabon; Chinese National, arestado

Arestado ang isang Chinese National sa kinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng Department of Trade and Industry (DTI) at Malabon Police sa Araneta Village, Potrero, Malabon City .

Ang naarestong indibidwal ay naaktuhang nagbebenta at nag-di-distribute ng mga hindi dokumentadong produktong tabako na walang graphic health warnings at walang awtoridad mula sa brand owner nito.

Narekober sa kanya ang humigit kumulang 1,120 na master cases ng sigarilyo at 635 na mga kahon ng vape na tinatayang may kabuuang halaga na P160 million.

Bukod dito ay kinumpiska rin ng mga awtoridad ang dalawang units ng truck na ginamit para ibyahe ang nasabing mga produkto.

Nahaharap ang naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law.

Facebook Comments