Dahil sa tuloy-tuloy na pinaigting na military operations noong nakalipas na taon, na-neutralize ng tropa ng pamahalaan ang 67 high-value individuals na kasapi ng communist and local terrorist groups sa bansa.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang sa mga napatay ang top leaders ng mga teroristang grupo ay kinilalang sina Dionisio Macabalo, alyas Muling o Kardo na Secretary ng North Central Mindanao Regional Committee, at Farahudin Pumbaya Pangalian, alyas Abu Zacharia na Amir ng Daulah-Islamiya Philippines at overall Amir ng Islamic State-East Asia.
Nitong nakalipas na taon din tuluyang napatahimik ng Sandatahang lakas ang nasa 1,399 kasapi ng communist and local terrorist groups, kasama na rito ang pagkakarekober ng militar sa 1,751 mga armas.
Kasunod nito, naniniwala ang AFP na malaking dagok ito sa mga teroristang grupo at tiyak na nagpahina sa kanilang kakayahan na magsagawa ng mga pag-atake laban sa tropa ng pamahalaan at sa mga komunidad.