Unang pasabog sa 2024: Pacquiao-Mayweather rematch, kasado na

May malaking pasabog na agad na balita sa pagpasok ng 2024 sa mundo ng pampalakasan.

Ito ay matapos ianunsiyo ni 8 division world champion Manny Pacquiao na magkakaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather ngayong taon.

Inanunsiyo ito ni Pacman sa kaniyang pagharap sa Rizin 45 sa Japan kung saan kinumpirma ni Pacman na muli silang magtatapat sa ring matapos ang maraming taon.


Wala namang karagdagang detalye na inanunsiyo kaugnay sa laban.

Una nang nagkaharap ang dalawang boksingero noong may 2015 sa tinaguriang “fight of the century” kung saan nagwagi rito si Mayweather via unanimous decision.

Sa ngayon, kapwa retirado na sina Pacquiao at Mayweather pero parehas pa rin silang nagsasagawa ng exhibition matches.

Huling lumaban si Mayweather noong Hunyo ng nakaraang taon habang noong 2022 naman nang magkaharap si Pacman at ang youtuber na si DK Yoo.

Facebook Comments