Wednesday, April 15, 2026

Mister ni VP Duterte, ini-ugnay ni Ramil Madriaga sa nasabat ng BOC na multi-bilyong halaga ng shabu noong 2018

Iniugnay ni Ramil Madriago ang mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio sa P4.3-billion na halaga ng shabu na laman ng magnetic lifters na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) noong 2018.

Nakasaad ito sa binasang supplemental affidavit ni Madriago sa impeachment hearing ng House Committee on Justice.

Ayon kay Madriaga, inutusan sya noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan si Manases kaugnay sa problema nito sa BOC.

Sabi ni Madriaga, pina-asikaso sa kanya ni Manases ang construction equipment na sinita at kinumpiska ng BOC.

Pero diin ni Madriaga, kalaunan ay natuklasan nyang magnetic lifters pala ito na may lamang mahigit 500 kilo ng shabu.

Facebook Comments