
Pinabulaanan ng Malacañang Palace ang kumakalat na ulat na papalitan na si Henry Aguda bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Claire Castro, Palace press officer, walang basehan ang report na nagsasabing ikinokonsidera umano ang dating presidential spokesperson na si Edwin Lacierda bilang kapalit ni Aguda.
Naging kalihim ng DICT si Aguda noong March 2025.
Sa kanyang panunungkulan, ilang isyu ang kinaharap ng ahensya, kabilang ang mga usapin sa procurement at internal management.
Nadawit din ang kanyang pangalan sa alegasyon ng budget insertions, tulad ng umano’y P5 bilyon na inilaan sa Free Public Internet Access Fund ng DICT at P1.5 bilyon para sa iba pang programa.
Gayunman, itinanggi ni Aguda ang mga paratang.










