Malalimang Imbestigasyon sa Peñablanca Ambush, Nagpapatuloy

33

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng hanay ng Philippine National Police (PNP) sa posibleng ugnayan ng suspek sa pananambang sa Deputy Chief of Police ng PNP Peñablanca at ng alkalde ng nasabing bayan.

Kasunod ito ng mismong pag-utos ni PNP Chief Debold Sinas kay PRO2 Regional Director PBGen Crizaldo Nieves na siyasatin ang talamak na illegal logging operations sa bayan ng Peñablanca.

Una nang naaresto ng PNP ang itinuturong salarin sa pamamaril na ikinasugat ni PNP Peñablanca Deputy Chief of Police PLT Randy Baccay matapos ang maigting na manhunt operations.


Nakilala ang suspek na si Ernest Sibbaluca na sinasabing tumambang sa tropa ni PLT Baccay ng magsagawa ang mga ito ng Anti-Illegal Logging operation sa Sitio Dalayat, Brgy Minanga, Lagum Area, Penablanca kamakailan.

Maswerte namang nakaligtas si PLt Baccay matapos ang nasabing pananambang.

Kaugnay nito, sinisiyasat ngayon ang ugnayan ni Sibbaluca sa kasalukuyang alkalde ng bayan ng Peñablanca na si Mayor Washington Taguinod.



Magugunitang naglaan ng 300-libong pisong pabuya mismo sina Gov Manuel Mamba at PRO2 Chief PBGen Crizaldo Nieves para matukoy ang nasa likuran ng pananambang kina Baccay.

Dagdag dito, ilang beses na rin nakakasakote ang mga kinauukulan ng libo-libong tablon ng kontrabandong kahoy sa nasabing bayan kahit pa panahon ng COVID-19 Pandemic.


Facebook Comments