Tuesday, September 29, 2026

Malawakang tigil-pasada ng PISTON, hindi ramdam sa Maynila — LGU

Halos hindi umano ramdam ang epekto ng unang araw ng tigil pasada ng grupong PISTON sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay batay sa datos ng lokal na pamahalaan kung saan wala silang na-monitor na apektadong pasahero sa ikinasang transport strike.

Pero ayon kay PISTON National President Ka Mody Floranda, marami ang lumahok ngayon sa kanilang panawagan para sa makatarungang presyo ng petrolyo at tuluyang pag-alis sa excise tax.

Kaugnay nito, pumalag si Floranda sa mga ulat na halos hindi ramdam ang epekto ng strike kabilang na sa Maynila.

Facebook Comments