Tuesday, September 29, 2026

Mga tsuper ng jeep na hindi na pumapasada dahil sa mataas na presyo ng diesel, patuloy na nadadagdagan

Nangangamba ngayon ang grupong Piston na malagasan pa ng driver ang ilang ruta ng jeep sa Maynila dahil na rin sa mataas na presyo ng petrolyo.

Ayon kay Piston Deputy Secretary General Ruben Baylon, noong buwan ng Mayo na umabot sa P120 ang presyo ng kada litro ng diesel ay maraming mga tsuper ang naghanap na lang ng ibang trabaho.

Ngayong mahigit P100 na naman ang presyo ng diesel ay may mga jeepney driver na tumigil na sa pamamasada.

Aniya, kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyo ng diesel ay marami na naman sa kanilang hanay ang titigil sa pamamasada.

Ang grupong Piston ay nagsasagawa ng tigil-pasada at kilos-protesta ngayong araw at magtatagal ito hanggang bukas.

Facebook Comments