Friday, September 25, 2026

Sandiganbayan 3rd Division, bumwelta sa pahayag ni Atty. Roi na overkill ang nararanasan ni dating House Speaker Martin Romualdez

Pinaalalahanan ng hukuman ng Sandiganbayan 3rd Division ang mga abogado sa pagdinig ng kasong plunder, nina dating House Spekaer Martin Romualdez, dating Congressman Zaldy Co, at dalawang kapuwa-akusado, sa Sandiganbayan 3rd Division ngayong Biyernes, Sept. 25 ng umaga na maging maingat sa mga gagamiting “choice of words”.

Kasunod ito ng naunang pahayag ni Atty. Jose Roy III sa isang panayam kaugnay ng umano’y tila “overkill” na kinakaharap ni Romualdez; kabilang na ang paulit-ulit na pagbasa ng impormasyon kahit pa hiniling na ng kampo ni Romualdez na dumiretso na sa pleading para mapabilis ang proseso.

Bwelta ng hukuman, bahagi ng proseso ang pagbasa ng impormasyon, para masigurong alam ng akusado ang kasong kinakaharap nito.

Samantala, aminado naman si Atty. Ade Fajardo, isa sa mga abogado ni Romualdez, na may ibang mga paraan pa nang pananalita na pwedeng gamitin ang isang abogado.

Facebook Comments