Mandaluyong City Government pinulong ang mga negosyante tungkol sa usapin ng nCoV.

Tumugon ang Lokal na pamahalaan ng Mandaluyong sa kautusan ng Department of Interior and Local Government o DILG tungkol sa paglaban kontra 2019 nCoV.

Ayon kay Jimmy Isidro Chief of Staff Mandaluyong City Government, namigay sila ng isang libong infrared thermometer sa lahat ng mga opisina ng gobyerno sa Mandaluyong City.

Maliban dito namigay din ng alkohol at hand sanitizers.


Dag-dag pa ni Isidro nakahanda na rin ang mga Health Centers ng Mandaluyong upang tumugon sa mga residente nito na maaring magpakunsulta kung mayroong ubo at sipon lalo na kung nakapagbiyahe sa ibang bansa gaya ng China, Macau at Hong Kong.

Ipinag-utos na rin nito sa iba’t ibang kumpanya at may-ari ng mga establisemento na gumawa ng sariling Fumigations para makaiwas sa sakit na sanhi ng virus.

Facebook Comments