Pansamantalang isinara ang Maples River, kahapon, Abril 29, matapos mag-ala-tsokolate ang kulay ng tubig na maaring hindi maging ligtas para sa mga bisita, ayon sa opisyal abiso ng pamunuan.
Ipinaliwanag na kinakailangan isara ang pasyalan hanggang bumalik sa dati ang kalidad ng tubig para sa kaligtasan ng mga bisita, bilang isa sa dinadagsang pasyalan sa lalawigan.
Matatandaang noong Abril 26, nang maagang inanunsyo ang maximum capacity ng Maples River dahil sa volume ng bisita at okupado nang mga sheds.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na paliwanag ang pamunuan hinggil sa sanhi ng naturang pagbabago sa kulay ng tubig ngunit tiniyak ang agarang anunsyo sakaling bumuti ang kondisyon at muling magbukas ang pasyalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







