PEKENG TANGGAPAN NG LTO SA MALASIQUI, PANGASINAN, SINALAKAY

Isang pekeng tanggapan ng LTO ang nabisto at tuluyang binuwag sa Malasiqui, Pangasinan kahapon, April 28, matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad.

Ayon sa LTO, matagal nang nagpapanggap ang naturang opisina bilang lehitimong district office kung saan tumatanggap ito ng kliyente, naniningil ng bayarin, at nagsasagawa ng transaksyon gamit ang umano’y pekeng dokumento.

Agad na inaresto ang mga nasa likod ng operasyon. Katuwang sa pagsalakay ang LTO Region 1, National Bureau of Investigation (NBI) at S2 Intelligence Unit ng Pangasinan Police Provincial Office sa naturang bayan.

Kasama rin sa naturang operasyon sina DOTr Acting Secretary na si Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Nilinaw rin ng mga opisyal na walang katotohanan ang pag-uugnay sa pangalan ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III, na anila’y ginamit lamang para magmukhang lehitimo ang modus.

Sa ngayon, inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek, bilang babala sa mga patuloy na gumagamit ng pangalan ng gobyerno para manloko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments