Manila, Philippines – Ipaghaharap ng kasong kriminal ng Food and Drug Administration (FDA) ang 16 na Pasig City Mega Market storeowners na nahuling nagbebenta ng ipinagbabawal na mosquito coils.
Ayon kay Retired Police General Allen Bantolo, pinuno ng FDA Regulatory Enforcement Unit ang mga storeowners ay ipaghaharap ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9711 o ang FDA Act of 2002.
May multa itong P500,000 hanggang P5 million na may 5 hanggang 10 taong pagkakabilanggo.
Kabilang sa mga nasabat ang 2,352 kahon ng Wawang High Quality Mosquito Coil, 110 kahon ng Baoma mosquito coil at 281 kahon ng Gold Deer High Quality Mosquito Coils.
Ayon sa FDA maaaring magdulot ng skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, respiratory disorders, endocrine complications, brain damage at organ failure ang madalas na paggamit ng ipinagbabawal na katol.